Search This Blog

Friday, March 8, 2013

UNION: SAMAHAN ng mga Kawani ng BAYAN... 'Un YON!

KAPIT BISIG: DAING NG SAMAHAN SA KARAPATAN  NG  MANGGAGAWA


"... Ngayon ganap ang hirap sa mundo
  Unawa ang kailangan ng tao
  Ang pagmamahal sa kapwa'y ilaan
  Isa lang ang ugat na ating pinagmulan
  Tayong lahat ay magkakalahi
  Sa unos at agos ay huwag padadala
[ Lyrics from: http://www
  Magkaisa (may pag-asa kang matatanaw)

  At magsama (bagong umaga, bagong

  Kapit-kamay (sa atin Siya'y nagmamahal

  Sa bagong pag-asa ... 


Magkaisa (song)
By: Virna Lisa (revised  by Regine Velasquez)
[tribute video courtesy of YouTube
 lyrics courtesy of Lyricsty.com

Iilang  linyang patuloy   na  pumupykas sa  damdaming   Pinoy,  at  muli't  muling nagpapaalala ng ating Lahi... MAGKAISA. Wala  pa ring kupas  ang  mahikang taglay ng OPM,  hindi ba? Mas lalo lanmang tayong naaakit sa sining ng  musikang Pinoy  sa pagtagal  ng panahon... At PROUD  AKONG MAGING ISANG  PINOY!
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Maraming mahalagang salik na nagbubuo ng kasaysayan ng karapatang 

manggagawa.  Kadalasan, ang mga mamamayan ay naniniwala na ang batas ay 


sanhi pagkakaroon ng karapatan ng mga tao.  Sa halip, ang mga batas na 


pinaniniwalaan natin sa kasalukayan ay batay sa mga paniniwala na mayroong 


likas na karapatan ng mga tao, at bukod doon, ang tungkulin ng pamahalaan ay 


magtanggol ng likas na karapatan.  Sa paglipas ng kasasayan, marami ding 


mamamayan sa Estados Unidos ang naniwala sa dito.  Datapwa’t, kadalasan, hindi 


nagtatanggol o pumapansin ang pederal na pamahalaan ng karapatang 


manggagawa.  Dahil dito, ang kasaysayan ng karapatang manggagawa ay 


umunlad mula sa mga pakikibaka ng mga manggagawa.  Halos lahat ng mga batas 


para sa mga karapatang manggagawa na nakikita natin sa kasalakuyan ay 


nanggagaling sa kasaysayan ng pakikibaka ng mga kilusan ng mga manggagawa.  


Ngunit, sa espesipiko, nanggagaling ito sa pagkilos ng mga organisasyong 


manggagawa."
[courtesy of karapatanmanggagawa.wordpress.com]

PLANO PARA SA PAGBABAGO: Kinabukasan... Aasenso na ba? [MTPDP]

AKO ANG SIMULA  NG  PAGBABAGONG HINAHANGAD PARA  SA   BAYAN KO!

Mulat na mata mga daliri na nagkakaisa
Sa bawat kilos makakalampag
Siklab ng umaga magliliwanag magliliwanag

Wag nang mahimbing sa sariling mundo
Wag nang iwaldas ang dekadang bago
Ako ang tutupad sa pangakong ito
Ako ang Simula ng pagbabago sa pagbabago.

Wag nang masindak sa ingay at gulo
Wag nang mag-abang na itulak tayo
Ako ang tatapos sa pagsubok nato
Ako ang Simula ng pagbabago sa pagbabago.

BOTO  Mo,  Ipatrol  Mo: Ako ang Simula!
By: Rico  Blanco, Aia  de  Leon, and Raimund Marasigan
igan
[video courtesy of YouTube
 lyrics courtesy of LyricsPinas.com]
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Thursday, March 7, 2013

A CLOSER LOOK on Industry's Finest: IT'S MORE FUN IN THE PHILIPPINES!

Tibay at Tatag ng INDUSTRIYA... Husay at Galing ng PILIPINAS!

Minsan natuwa ang May likha
Pitong libong pulo ang ginawa
Mga hilyas na inilatag
Sa malasublang dagat
At ang bayan nyang pinili
Nasa dulo ng bahag-hari
Kaya isang libong kulay
Nang aakit kumakaway

Piliin mo ang inang Pilipinas
Kakulo ang kwintas ng perlas
Piliin mo yakapin mo
Kayamanan nyang likas
                                                                                Piliin mo ang Pilipinas

Piliin Mo Ang Pilipinas
By: Angeline Quinto
[video courtesy of YouTube
 lyrics courtesy of LyricsPinas.com]
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Sa himig pa lamang ng tugtugin ay mapapaindak ka na... Sa lirikong nakakaakit ay kuhang-kuha na ang iyong atensyon... At sa mensahe pa lamang, alam mo na ang ibig ipakahulugan ng awitin.. CHOOSE PHILIPPINES ikanga! Sabayan pa ng instrumento at sa saliw ng maestro'y maaliw ka sa musika at sa paghahandog na makikita... Kung ikaw ay isang dayuhan, at nais mong makakita ng magagandang tanawin, makatikim ng masasarap na pagkaing Pinoy, makaranas na mapuntahan ang pinakasikat na mga Resorts at pook-pasyalan, at maka-'relax' at mag-'enjoy' lang sa mga magagandang bakasyunan at Pilipinas ang nais mong mapuntahan.. ay hindi-hindi ka magsisisi. :)

".... The Philippines, commonly known as the "Pearl of the Orient" is an archipelago of 7107 islands with a wide variety of great destinations considered by many as paradise. From the hustle and bustle of the great city of Manila to many of the true white-sand beaches and virgin forests scattered throughout the islands, it is a place where everyone can find something that can suit their taste. Discovering the beauty of each of the islands is a task that may take a lifetime but if you know what you like then you can choose from any of the destinations below that suit your particular needs and taste. Whether you just a tourist looking for the good old souvenirs or the adventurer seeking to find the next new place to discover there is something for you.... 

Article Source: ezinearticles.com
"Discovering The Beauty of the Islands of the Philippines"

By: 

DAPAT KANG MAKIALAM: 'Issue on Health Care', Tara.. USAP TAYO!


Senate Bill 3130 at House Bill 6069: 'Ipagpatuloy na.. o Pag-isipan muna?'



 [video courtesy of YouTube]


                                                                                              [all pictures courtesy of Google Images]

"You'll be safe here..."
Ilang linya itong mula sa isang kanta ng Rivermaya.. na madalas gawing 'tag line' sa mga patalastas ng mga pasilidad ng ospital, mga lugar at kwartong napakagara, at ang 'state of the art technology' na ihinahandog ng mga 'World Class' Hospitals na ngayon ay mahahanap na sa Pilipinas. High-quality at masasabi mong pangmay-kaya o kaya'y pangmayaman! Dahil moderno ang mga ito, hindi na rin napapansin ng iba na hindi lahat ng mga taong gustong mag-'avail' ng mga serbisyo sa naturang ospital ay nakakayanan ang gastusin dito, lalo na ang  mga mahihirap at kapus-palad. 


Sa usaping mga ganito, "nganga na naman ba tayo?" Kung tutuusin, hindi rin naman nagkukulang ang gobyerno para masabing may mga ospital naman para sa mga mamamayang hindi kakayanin ang mga gastusin sa mamahaling mga ospital. May mga ospital ng bayan namang maaaring magamit ang mga serbisyo sa murang halaga, naibibigay ang mga medikal na pangangailangan ng mga mamamayan, natutugunan ang mga kailangang handang i-'offer' ng institusyon, at napapagaling ang mga may-sakit. 

 Hindi rin maikakailang may mga medikal na pangangailangan din naman ang mga mahihirap na mamamayan na hindi kaya ng kanilang pera. Sa mga pagkakataong ito, hindi na masasabing sapat ang basta na lamang maipasok sa pasilidad ng ospital ang naturang pasyente. May mga ospital din kasing may "NO PAY, NO SERVICE" policy kaya't dapat ay una pa lang, nakahanda na ang bayad mo para sa serbisyong medikal na gusto mong makuha mula sa naturang ospital.

Hindi na rin naman masama, at may ilang ospital sa kasalukuyan na may "PAY LATER" policy kaya't naihahanda ng pasyente at mga kamag-anak nito at ang pambayad sa ospital sa panahong pinagagaling ang pasyente... Ngunit kahit na sabihin nating may mga ospital para sa bayan, ay tila nabibigatan pa rin ang ating mga kababayan sa pasanin ng katotohanang hindi lahat ay nakakaranas ng ginhawang hatid ng mga serbisyong medikal ng mga ospital sa Pilipinas, mapa-mahal man o pangkalahatan sa presyo at pasilidad.

15th Congress
Senate Bill No. 3130
NATIONAL GOVERNMENT HOSPITAL CORPORATE RESTRUCTING ACT
Filed on February 21, 2012 by Drilon, Franklin M.Angara, Edgardo J.
"AN ACT INSTITUTING A CORPORATE RESTRUCTURING PROGRAM FOR NATIONAL GOVERNMENT HOSPITALS, PROVIDING FUNDS THEREFOR, AND FOR OTHER PURPOSES" 
[courtesy of www.senate.gov.ph]
House Bill 6069
Approved last May 16, 2012Filed by Bacolod Rep. Anthony Rolando T. Golez, Jr. The chairman of the committee, Negros Occidental 2nd District Rep.
 "AN ACT CONVERTING GOVERNMENT  INTO NATIONAL GOVERNMENT HOSPITAL CORPORATIONS PROVIDING FUNDS THEREFORE, AND FOR OTHER PURPOSES"
 MANILA, Philippines — The Department of Health (DoH) Tuesday welcomed a proposal to convert national hospitals into state-owned corporations to facilitate Private-Public Partnerships (PPP) leading toward improved healthcare.
DoH undersecretary Teodoro Herbosa said the bill is in line with the program of the Aquino administration that allows PPP for better delivery of services.
“We are in support of it because we believe it will improve hospital services, especially among the big ones that we have,” Herbosa said in an interview.
Last week, Sen. Franklin M. Drilon filed Senate Bill 3130 seeking the conversion of government-run hospitals into Government Owned and Controlled Corporations (GOCC).
The bill allows the hospitals to put their money in government bonds and securities and it also allows hospitals to borrow from local and foreign sources for increased subsidy to the poor and other related services.

[Source: Manila Bulletin
Courtesy of ppp.gov.ph]



Makabayan senatorial candidate and Representative Teddy Casiño and Gabriela party-list Representative Luz Ilagan lashed at government for its alleged failure to address the health concerns of Filipinos.
“In the privatization of public hospitals, business and profit win, at the expense of the public who will suffer once again with the increased rates of health services,” Casiño told protesting health workers in Mendiola.
[Source: sunstar.com.ph
BACOLOD CITY—Negros Occidental Gov. Alfredo Marañon Jr. on Friday said he would oppose bills seeking the privatization of government-owned hospitals as this would deprive the poor access to free hospital services.
“If a bill calls for privatization of hospitals, the people will riot against it and I will lead them,” Marañon said.
Bacolod Mayor Evelio Leonardia also opposed the planned privatization of public hospitals.
The scheme to turn government hospitals into corporations run by the private sector would simply lead to higher fees which would defeat efforts to bring down costs of health services for the poor.
“There are so many poor people who could hardly afford to pay their hospital bills,” he said.
The governor cited the Negros Occidental Comprehensive Health Care Program (NOCHCP) as a model for health care services.
The program, said the governor, had given health coverage to at least 85,000 families or about 425,000 individuals.
From Sept. 18, 2010, to June 30, 2012, he said 15,038 persons covered by the NOCHCP had availed themselves of hospitalization that was estimated to have cost a total of P36.6 million, while outpatients availed of P4.8 million in services for free.
House Bill No. 6069, titled an Act Creating National Government Hospital Corporations authored by Bacolod Rep. Anthony Golez, and Senate Bill No. 3110, or the National Government Hospital Corporate Restructuring Act proposed by Sen. Franklin Drilon, would lead to privatization of hospitals, Bayan Muna Rep. Teddy Casiño had warned.
But in an interview last week, Casiño said the privatization of public hospitals was a “grand disguised privatization scheme” that would enable government to drop its responsibility to provide health care to the people.
[Source: www.newinfo.inquirer.net]

Monday, January 21, 2013

LUPANG PINANGAKO: SIGAW NG PAG-ASA

Lupang Pinangako: 'Bulag-bulagan' ka ba sa KATOTOHANAN? 

LAPIT mga KAIBIGAN at MAKINIG Kayo...
[video courtesy of YOUTUBE]



"Nagsimulang buuin ang bagong pamahalaan at alinsabay nito'yang pag-asa ng mga magsasaka sa tunay na reporma sa lupa. Noong una'y walang dumadaing dahil nakasanayan na nila ang gawi noong Panahon ng Kastila. Ngunit ng unti-unting nagkamalay sa kanilang mga karapatan, dito nagsimulang umangal. Una'y tinuligsa ang mga mayayamang nagmamay-ari sa lupang sakahan. Anila, dapat lamang na ipagkaloob na ng pamahalaan ang lupang ito sa kanila dahil sila naman daw ang nagpagal at nagpayaman dito. Sagot naman ng mga nag-mamay-ari, ipinamana sa amin ang mga ito at pinaghirapan ng mga nuno namin,bakit kailangan ninyo itong angkinin? Ang sagutang ito ay tumagal, nang tumagal, nang tumagal. Hanggang ngayon, lumipas na ang halos 100 taon, wala pa ring nangyayari.Ito ba'y isang halimbawa ng pagtatanggol ng kanyang ari-ariang ipinamana sa kanya na pinagyaman ng iba't ngayo'y pilit na inaangkin?"  
- 4dagohoyonline


Dumaan na ng maraming mga dekada ng puro PANGAKO at PAG-ASA. Wala ring naaaninag na maganda at mabuting pagbabago ang nagaganap para sa mga lokal na manggagawang Pilipino. Hindi man lang nahihinuha ng awtoridad na kung hindi dahil sa kanila, way wala rin naman mangyayari  sa ating INDUSTRIYA.

________________________________________________________________


May isang artikulong aking nabasa na naglalahad ng katotohanang hindi-maitatanggi na nakakasama ng loob at damdamin ng mga Pilipino. Sa artikulong iyon, may isang magsasakang nagngangalang Franciso Nakpil. Siay'y isa sa mga mahihirap na magsasaka ng Hacienda Luisita na matatagpuan sa Tarlac. Ang Haciendang ito ay pagmamay-ari ng pamilyang Cojuanco. Sa akda, nabanggit na mahigit 45 na taon ang ginugol ni Mang Francisco sa hacienda, sa pag aakalang makakapag-angkin siya ng lupang dapat sana'y mapapasakamay niya dahil narin sa sipag at tiyaga niya sa paghahanapbuhay. Nang maitatag ang CARP at naging bahagi siya ng programa ng SDO, naging "stockholder" siya ng naturang korporasyon.


Nabanggit sa akdang lumipas na ang 15 na taon, si Mang Nakpil ay nakaka tanggap ng P9 lamang bawat araw, isang sakong bigas, P4000 na Loan para sa edukasyon tuwing Hunyo, at tumototal na halos P2000 lamang kada taon. Sa masusing pagsusuri at pagkompyut, siya'y tumatanggap ng P17,760 sa isang taon, o P48.66 araw-araw.  


Matapos ang lahat ng mga pagsusuri at pagbibigay ng kanya-kanyang hinuha at kuro-kuro... ay hindi parin natutugunan ni Mang Francisco ang pangangailangan ng kanyang pamilya sa araw-araw. Hindi niya nagawang yumaman kahit na pa ibigay niya ang buong laksa at oras niya sa paghahanap-buhay sa Hacienda Luisita. Marami na'ng mga taon ang nagdaan. Hanggang ngayon, hindi pa rin lubusang nadidinig ang mga HINAING ng manggagawang Pinoy. 


Sa kasalukuyan... Si Francisco Nakpil ay may 'home lot souvenir' mula sa kinabibilangan niyang 'Hacienda Lusita Inc.' o HLC, nagkaroon ng P20,000 na 'separation pay', at tumatanggap ng halagang P2,600 kada buwan. Pumapatak ng halos P86 lang perang nakalaan para sa kanyang pamilya sa bawat araw na dumadaan... HINDI BA'T HINDI ITO MAKATARUNGAN? Nasaan na ang mga PANGAKONG pamamahagi ng lupa at pagkakaloob ng mga karapat dapat na insentibo para sa mga manggagawang tulad ni Mang Francisco? Dito ko lubos na naunawaang... Hindi sapat  ang mga salita upang mapunan ang kumakalam na sikmura ng bawat isa. Hindi solusyon ang mga programang hindi rin naman maproproteksyunan ang kalagayan at kahalagahan ng trabahong naiaambag ng mga manggagawang agrikultural. Hindi mabisang panangga sa patuloy na paghihirap ng mga manggagawa ang puro mababangong salita at pangakong.. sahuli, ay napapako rin. 



Isa lamang si Francisco sa mga manggagawang Pilipino ng Hacienda Luisita noon. Hanggang ngayon, mahirap parin ang kalagayan ng kanilang pamilya. Kulang na kulang ang bawat sentimong kanilang ipinanunustos sa  araw-araw... at alam ko.. alam kong hindi lamang siya ang may ganitong kalagayan.. Na sa bawat kayod ng isang mahirap, amg mayaman at may pagmamay-ari ng lupa ang yumayaman pa. Nakakaawa. Nakakalungkot. Nakaka-'sawing palad' sa pakiramdam. Puno ng hinagpis at panghihinayang.... Ilan lamang ito sa aming mga nadarama ukol sa sinapit ng isang manggagawang may marangal na hanapbuhay, ngunit hindi nakamit ang katarungan.


Sa ating henerasyon ngayon, marami na ang nagkakaisa upang mabigyang   tulong ang iba pang mga maggagawang Pinoy ng ating agrikuktura, at madinig ng pamahalaan ang kanilang mga daing. Kahi papaano, nakakatuwa ring isipin na ang mga may mga busilak na pusong ito ay naggmumula sa malaking bahagdan ng KABATAAN. Dito ko lubusang napagtantong may pag-asa pa ang tulad ni Mang Francisco.... Na marami ang maisasalba mula sa ganitong sitwasyon at kahit papaano'y giginhawa ang buhay sa pagsisikap at pagtyayaga.



... At ito.
ITO ANG PANAGHOY KO.

KARIMLAN sa TANIKALA .. *awakening*
[courtesy of YouTube]
Thank you for Visiting MY BLOG! :) 
#moreToCOME. :))))





Thursday, January 17, 2013

SA LUPANG MAY ANINAG: Isang SILIP sa ating Agrikultura..

Agriculture in the Philippines


 

Sa ating kasalukuyang panahon, hindi na sapat ang may 'pinanghahawakan lang'. Kahit na sabihin nating karapat-dapat tayo sa isang bagay na ating minimithi, hindi pa rin ito isang garantiya na makakamit mo ito nang may katarungan.
Ang sektor ng Agrikultura ay isa sa pangunahing ikinabubuhay ng bansa. At sa sektor na ito, pangunahing taga-gawa ang magsasaka, buong araw na yukod-tayo para sa kanin na ihahain sa iyong hapag at para rin sa kakaunting pang-budget ng pamilya. Kaya ang matagal nilang hinaing: "Kailan nila kami mabibigyang halaga?" - 4dahoyonline.com

Sa unang aninag pa lamang ng mga larawang ito, mahihinuha mong hindi madali ang kanilang ginagawang hanapbuhay. Sa umpisa pa lang, alam nating lahat na kung wala ang mga magsasaka, wala rin tayong palay na aanihin, walang bigas na lulutuin, at wala ring kanin na pantawid-gutom natin sa pang araw-araw. Ang pagsasaka ay isang bahagi o aspeto lamang ng kabuuang kahalagahan ng AGRIKULTURA sa bansa. 

Kilala ang ating bansa bilang isang "Agricultural Country". Ang mga malalaking sakahan, taniman, palaisdaan, atbp. ay may malaking ginagampanan sa ating ekonomiya... Ngunit dahil sa pagbabago rin ng ating panahon, kasabay rin nito ang pagkakaroon ng maraming mga suliranin. Ilan na dito ang:

Teknolohiya. Hindi tulad ng ibang mga First-World Countries, ang 'Pinas ay nasa 'state of developing'. Mas nagiging pabor ang pagpasok ng salapi sa mga 'advanced technologies' ng ibang bansang may kakayahang mapasakamay ito. Napapadali ang mga gawain at napapalawa nito ang produksyon ng bansa.


Kakulangan sa Imprastraktura at Puhunan.

 Marami sa mga produkto ng bansa ang hindi nagagamit at napapakinabangan nang maayos dahil kulang ito dahil madaling masira dahil walang maayos at sapat na STORAGE para rito. Hindi rin sapat ang kanilang salapi upang maipambili ng mga mahahalagang makinarya.


Implementasyon ng Tunay na Reporma sa Lupa.

Dumaan na ang maraming taon, dumami na ang mga batas kaugnay sa reporma sa Lupa, wala paring nangyayari sa mga pangarap ng mga magsasakang nagnanais ng mas magandang buhay. Dapat ay bigyang atensyon ito ng pamahalaan at ng mga taong 'concerned' dito dahil silang mga 'mahahalagang manggagawa' ng ating bansa ang nahihirapan.. At kung hindi ito matugunan, ay sa huli, tayo ang maghihirap at dadanas ng mga epekto nito.


Mababang presyo ng Produktong Agrikultura.

Ang mga produktong pinaghirapang anihin o kuhanin ng mga manggagawa ng bansa ay naibebenta lamang sa murang halaga, kaya hirap ang mga itong makaipon ng mas magandang/malaking tubo o perang magagamit nila sa pang araw-araw. Hindi rin sapat ang salaping naipupundar nila upang mabawi ang kanilang gastos sa mga kagamitang ginagamit para maghanapbuhay. 

(video courtesy of YouTube)

Thanks for stopping by!! :) just post here. :) <3 more to come...