Mulat na mata mga daliri na nagkakaisa
Sa bawat kilos makakalampag
Siklab ng umaga magliliwanag magliliwanag
Wag nang mahimbing sa sariling mundo
Wag nang iwaldas ang dekadang bago
Ako ang tutupad sa pangakong ito
Ako ang Simula ng pagbabago sa pagbabago.
Wag nang masindak sa ingay at gulo
Wag nang mag-abang na itulak tayo
Ako ang tatapos sa pagsubok nato
Ako ang Simula ng pagbabago sa pagbabago.
BOTO Mo, Ipatrol Mo: Ako ang Simula!
By: Rico Blanco, Aia de Leon, and Raimund Marasiganigan
By: Rico Blanco, Aia de Leon, and Raimund Marasiganigan
[video courtesy of YouTube
lyrics courtesy of LyricsPinas.com]
lyrics courtesy of LyricsPinas.com]
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Hanggang kailan mananalangin? Hanggang kailan kakapa
sa dilim? Umaasa lang sa sagip at grasya.... Hanggang
ganito na lang ba talaga?"
---->Ito ang panimulang liriko ng awiting pinagsamahan nina Rico Blanco, Aia De Leon, at Raimund Marasigan na talgang tumatak saisipan ng maraming mga Pilipino.. lalo na sa kabataan. Ang mensahe? Simple ... Magtiya-tiyaga ka na lang ba sa kung ano ang meron... kahit pa alam mong maaaring may magbago para sa kinabukasan? Tutunganga ka na lamang ba sa kung anu-ano ang tira-tira ng iba? ... HINDI KA BA KIKILOS PARA SA PAGBABAGO? Eto. Eto ang mensahe ng awiting "AKO ANG SIMULA"...
Patama. Nakakagising ng katawang Lupa. "Eye-OPENER" ikanga. Pamukaw ng damdamin ng madla. Ilan lamang ito sa kalimitang nababanggit ng mga kabataan pagdating sa pagpapahayag ng kanilang nararamdaman. ako, BAHAGI rin ako ng kabataan, at nais ko ring madinig ang aming mga tinig at mensaheng para sa lahat. Hindi bukas, hindi sa makalawa at lalong hindi sa isang taon. TAMA NA. Ito na 'yon! Pagkakataon na na natin para marinig ng iba ang ating mga boses... Dahil nararapat tayong makialam sa isyu ng ating Bayan.
Maraming mga henerasyon na ng mga pinuno ang nagdaan... Ang tanong, may nagbago ba? Ang sabi ng iba'y may idinulot namang magaganda ang mga nakaraang termino ng iba't-ibang mukha ng mga lider sa bansa. And iba naman ay hindi sang-ayon, dahil mas nakikita nila ang mukha ng kahirapan sa bansa na hanggang ngayon ay sumasalamin pa rin sa korapsyon, mga masasamang gawi at krimen, mga pangakong "napako", at mga salitang binitawan at hindi man lang ginampanan..
Nakakalungkot? Sa tinginko, sa tingin ng kabataang tulad ko... oo. Sa kabila nito, naniniwala akong mayroon apring pagbabagong maaaring maganap para sa lahat. Malaki ang pag-asa kong mas gaganda ang buhay ng mga Pilipino, uunlad ang ating ekonomiya, mababawasan pa lalo ang bahagdan ng kahirapan, at mas marami pa ang kabataang gaya kong magkakaroon ng oportunidad na makapag-aral at may pag-asang makapagtapos ng kolehiyo. Malaki rin ang kompiyansa kong magwawagi ang katarungan para sa lahat... Kailangan lang natin ng matiwasay na pagpili ng mga taong magiging huwarang ehemplo natin sa kabutihan at magiging mga pinuno ng atig bansa, at "HOPEFULLY" ay maghatid sa ating sa mas maliwanag na bukas.
Tandaan din natin na taon lang din naman sila, HINDI PERPEKTO at may karapatang magkamali. Nasa sa kanila na ang hakbang upang maitama ang mga maling kanilang naaaring magawa. Hindi rin naman ibig sabihin nito'y isusuko na natin anglahat ng gawain sa kanila. MALI PO ITO. May kanya-kanya rin po tayong mga tungkulin sa ating pag-unlad bilang mamamayang Pilipino. Huwag natin iasa ang lahat sa kanila. Yaman rin lang na nilikha ang nakararami sa atin na may mga paa't kamay. Aba'y dapat kumilos rin tayo kung gusto natin ng pagbabago!
Naniniwala rin ako bilang kabataan na lahat tayo ay may kanya kanyang mga talentong natatago. Nasa sa atin na ito kung gagamitin ba natin ito para sa mabuti, o para sa masama. Magandang ehemplo nito ang "Video" sa simula ng Blog na ito. Napakagandang ehemplo ito ng talentong ginagamit para sa katiwasayan, at kamulatan sa katotohan ng ibang tao. Kaya't kung may kinahihiligan kang bagay, linangin mo ito at gamitin sa kabutihan
Ganito rin nawa ang gawin ng mga susunod na henerasyon ng mga lider ng bayan.
May tinatawag tayong "MTPDP" o "Medium term Philippine Development Plan" na kalimitan natin naririnig sa mga SONA ng pangulo. Hindi lang ito purong mababngong salita. Dapat ay napupunta rin ito sa ga.. na tanging ang mismong mga kapwa Pilipino lang din natin ang makakapagsabi kung ginagawa talaga nila ang kanilang trabaho at mga responsibilidad bilang lider.. bilang Pilipino.. bilang tao..
Balikan natin ang ilang MTPDP ng mgataong minsan na natin naging mga pangulo.
The Strategic Framework: “Philippines 2000”
Sectoral Concerns on the following:
A. POLITICAL STABILITY
AND PEACE AND ORDER
1. Stability and Civic Order
2. Peace and Order
B. THE ECONOMY
1. The Test of Reforms
2. The Financial System
3. The Budget
4. Resource Mobilization
etc.
2. The construction of new buildings, classrooms, provision of desks and chairs and books for students and scholarships to poor families,
3. The balancing of the budget,
4. The "decentralization" of progress around the nation through the use of transportation networks like the roll-on, roll-off and the digital infrastructure,
5. The provision of electricity and water supply to barangays nationwide,[information source: studymode.com]
[all photos courtesy of Google Images]
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ang akin lang, sana'y magpatuloy pa ang mga mabubuting kaganapan sa bansa natin. Ang nakaraan nawa'y kapuluta natin ng magagandang mga aral, at iwanan na natin ang mga masasamang nangyari sa nakaraan. Gawin nating inspirasyon at motibasyon ang bawat isa, at mas lalo nating paigtingin ang pagkakaisa sa aitng mga isipan at mga puso. Tulungan natin ang kasalukuyang administrasyong magampanan ang magagandang nitong mga hangarin para sa bayan.
TO GOD BE THE GLORY. <3 :)
#Thanks For visiting my BLOG!
#moreToCome :))
#moreToCome :))
No comments:
Post a Comment