Sa ating kasalukuyang panahon, hindi na sapat ang may 'pinanghahawakan lang'. Kahit na sabihin nating karapat-dapat tayo sa isang bagay na ating minimithi, hindi pa rin ito isang garantiya na makakamit mo ito nang may katarungan.
Ang sektor ng Agrikultura ay isa sa pangunahing ikinabubuhay ng bansa. At sa sektor na ito, pangunahing taga-gawa ang magsasaka, buong araw na yukod-tayo para sa kanin na ihahain sa iyong hapag at para rin sa kakaunting pang-budget ng pamilya. Kaya ang matagal nilang hinaing: "Kailan nila kami mabibigyang halaga?" - 4dahoyonline.com
Sa unang aninag pa lamang ng mga larawang ito, mahihinuha mong hindi madali ang kanilang ginagawang hanapbuhay. Sa umpisa pa lang, alam nating lahat na kung wala ang mga magsasaka, wala rin tayong palay na aanihin, walang bigas na lulutuin, at wala ring kanin na pantawid-gutom natin sa pang araw-araw. Ang pagsasaka ay isang bahagi o aspeto lamang ng kabuuang kahalagahan ng AGRIKULTURA sa bansa.
Kilala ang ating bansa bilang isang "Agricultural Country". Ang mga malalaking sakahan, taniman, palaisdaan, atbp. ay may malaking ginagampanan sa ating ekonomiya... Ngunit dahil sa pagbabago rin ng ating panahon, kasabay rin nito ang pagkakaroon ng maraming mga suliranin. Ilan na dito ang:
Teknolohiya. Hindi tulad ng ibang mga First-World Countries, ang 'Pinas ay nasa 'state of developing'. Mas nagiging pabor ang pagpasok ng salapi sa mga 'advanced technologies' ng ibang bansang may kakayahang mapasakamay ito. Napapadali ang mga gawain at napapalawa nito ang produksyon ng bansa.
Kakulangan sa Imprastraktura at Puhunan.
Implementasyon ng Tunay na Reporma sa Lupa.
Dumaan na ang maraming taon, dumami na ang mga batas kaugnay sa reporma sa Lupa, wala paring nangyayari sa mga pangarap ng mga magsasakang nagnanais ng mas magandang buhay. Dapat ay bigyang atensyon ito ng pamahalaan at ng mga taong 'concerned' dito dahil silang mga 'mahahalagang manggagawa' ng ating bansa ang nahihirapan.. At kung hindi ito matugunan, ay sa huli, tayo ang maghihirap at dadanas ng mga epekto nito.
Mababang presyo ng Produktong Agrikultura.
Ang mga produktong pinaghirapang anihin o kuhanin ng mga manggagawa ng bansa ay naibebenta lamang sa murang halaga, kaya hirap ang mga itong makaipon ng mas magandang/malaking tubo o perang magagamit nila sa pang araw-araw. Hindi rin sapat ang salaping naipupundar nila upang mabawi ang kanilang gastos sa mga kagamitang ginagamit para maghanapbuhay.
(video courtesy of YouTube)
keep reading and posting writeups bhe. keep sharin us your thoughts.
ReplyDeletemay this be a good start to develop your love in writing
ReplyDeleteI love you beeb
ReplyDeleteGanda mo
ReplyDelete