Search This Blog

Monday, January 21, 2013

LUPANG PINANGAKO: SIGAW NG PAG-ASA

Lupang Pinangako: 'Bulag-bulagan' ka ba sa KATOTOHANAN? 

LAPIT mga KAIBIGAN at MAKINIG Kayo...
[video courtesy of YOUTUBE]



"Nagsimulang buuin ang bagong pamahalaan at alinsabay nito'yang pag-asa ng mga magsasaka sa tunay na reporma sa lupa. Noong una'y walang dumadaing dahil nakasanayan na nila ang gawi noong Panahon ng Kastila. Ngunit ng unti-unting nagkamalay sa kanilang mga karapatan, dito nagsimulang umangal. Una'y tinuligsa ang mga mayayamang nagmamay-ari sa lupang sakahan. Anila, dapat lamang na ipagkaloob na ng pamahalaan ang lupang ito sa kanila dahil sila naman daw ang nagpagal at nagpayaman dito. Sagot naman ng mga nag-mamay-ari, ipinamana sa amin ang mga ito at pinaghirapan ng mga nuno namin,bakit kailangan ninyo itong angkinin? Ang sagutang ito ay tumagal, nang tumagal, nang tumagal. Hanggang ngayon, lumipas na ang halos 100 taon, wala pa ring nangyayari.Ito ba'y isang halimbawa ng pagtatanggol ng kanyang ari-ariang ipinamana sa kanya na pinagyaman ng iba't ngayo'y pilit na inaangkin?"  
- 4dagohoyonline


Dumaan na ng maraming mga dekada ng puro PANGAKO at PAG-ASA. Wala ring naaaninag na maganda at mabuting pagbabago ang nagaganap para sa mga lokal na manggagawang Pilipino. Hindi man lang nahihinuha ng awtoridad na kung hindi dahil sa kanila, way wala rin naman mangyayari  sa ating INDUSTRIYA.

________________________________________________________________


May isang artikulong aking nabasa na naglalahad ng katotohanang hindi-maitatanggi na nakakasama ng loob at damdamin ng mga Pilipino. Sa artikulong iyon, may isang magsasakang nagngangalang Franciso Nakpil. Siay'y isa sa mga mahihirap na magsasaka ng Hacienda Luisita na matatagpuan sa Tarlac. Ang Haciendang ito ay pagmamay-ari ng pamilyang Cojuanco. Sa akda, nabanggit na mahigit 45 na taon ang ginugol ni Mang Francisco sa hacienda, sa pag aakalang makakapag-angkin siya ng lupang dapat sana'y mapapasakamay niya dahil narin sa sipag at tiyaga niya sa paghahanapbuhay. Nang maitatag ang CARP at naging bahagi siya ng programa ng SDO, naging "stockholder" siya ng naturang korporasyon.


Nabanggit sa akdang lumipas na ang 15 na taon, si Mang Nakpil ay nakaka tanggap ng P9 lamang bawat araw, isang sakong bigas, P4000 na Loan para sa edukasyon tuwing Hunyo, at tumototal na halos P2000 lamang kada taon. Sa masusing pagsusuri at pagkompyut, siya'y tumatanggap ng P17,760 sa isang taon, o P48.66 araw-araw.  


Matapos ang lahat ng mga pagsusuri at pagbibigay ng kanya-kanyang hinuha at kuro-kuro... ay hindi parin natutugunan ni Mang Francisco ang pangangailangan ng kanyang pamilya sa araw-araw. Hindi niya nagawang yumaman kahit na pa ibigay niya ang buong laksa at oras niya sa paghahanap-buhay sa Hacienda Luisita. Marami na'ng mga taon ang nagdaan. Hanggang ngayon, hindi pa rin lubusang nadidinig ang mga HINAING ng manggagawang Pinoy. 


Sa kasalukuyan... Si Francisco Nakpil ay may 'home lot souvenir' mula sa kinabibilangan niyang 'Hacienda Lusita Inc.' o HLC, nagkaroon ng P20,000 na 'separation pay', at tumatanggap ng halagang P2,600 kada buwan. Pumapatak ng halos P86 lang perang nakalaan para sa kanyang pamilya sa bawat araw na dumadaan... HINDI BA'T HINDI ITO MAKATARUNGAN? Nasaan na ang mga PANGAKONG pamamahagi ng lupa at pagkakaloob ng mga karapat dapat na insentibo para sa mga manggagawang tulad ni Mang Francisco? Dito ko lubos na naunawaang... Hindi sapat  ang mga salita upang mapunan ang kumakalam na sikmura ng bawat isa. Hindi solusyon ang mga programang hindi rin naman maproproteksyunan ang kalagayan at kahalagahan ng trabahong naiaambag ng mga manggagawang agrikultural. Hindi mabisang panangga sa patuloy na paghihirap ng mga manggagawa ang puro mababangong salita at pangakong.. sahuli, ay napapako rin. 



Isa lamang si Francisco sa mga manggagawang Pilipino ng Hacienda Luisita noon. Hanggang ngayon, mahirap parin ang kalagayan ng kanilang pamilya. Kulang na kulang ang bawat sentimong kanilang ipinanunustos sa  araw-araw... at alam ko.. alam kong hindi lamang siya ang may ganitong kalagayan.. Na sa bawat kayod ng isang mahirap, amg mayaman at may pagmamay-ari ng lupa ang yumayaman pa. Nakakaawa. Nakakalungkot. Nakaka-'sawing palad' sa pakiramdam. Puno ng hinagpis at panghihinayang.... Ilan lamang ito sa aming mga nadarama ukol sa sinapit ng isang manggagawang may marangal na hanapbuhay, ngunit hindi nakamit ang katarungan.


Sa ating henerasyon ngayon, marami na ang nagkakaisa upang mabigyang   tulong ang iba pang mga maggagawang Pinoy ng ating agrikuktura, at madinig ng pamahalaan ang kanilang mga daing. Kahi papaano, nakakatuwa ring isipin na ang mga may mga busilak na pusong ito ay naggmumula sa malaking bahagdan ng KABATAAN. Dito ko lubusang napagtantong may pag-asa pa ang tulad ni Mang Francisco.... Na marami ang maisasalba mula sa ganitong sitwasyon at kahit papaano'y giginhawa ang buhay sa pagsisikap at pagtyayaga.



... At ito.
ITO ANG PANAGHOY KO.

KARIMLAN sa TANIKALA .. *awakening*
[courtesy of YouTube]
Thank you for Visiting MY BLOG! :) 
#moreToCOME. :))))





Thursday, January 17, 2013

SA LUPANG MAY ANINAG: Isang SILIP sa ating Agrikultura..

Agriculture in the Philippines


 

Sa ating kasalukuyang panahon, hindi na sapat ang may 'pinanghahawakan lang'. Kahit na sabihin nating karapat-dapat tayo sa isang bagay na ating minimithi, hindi pa rin ito isang garantiya na makakamit mo ito nang may katarungan.
Ang sektor ng Agrikultura ay isa sa pangunahing ikinabubuhay ng bansa. At sa sektor na ito, pangunahing taga-gawa ang magsasaka, buong araw na yukod-tayo para sa kanin na ihahain sa iyong hapag at para rin sa kakaunting pang-budget ng pamilya. Kaya ang matagal nilang hinaing: "Kailan nila kami mabibigyang halaga?" - 4dahoyonline.com

Sa unang aninag pa lamang ng mga larawang ito, mahihinuha mong hindi madali ang kanilang ginagawang hanapbuhay. Sa umpisa pa lang, alam nating lahat na kung wala ang mga magsasaka, wala rin tayong palay na aanihin, walang bigas na lulutuin, at wala ring kanin na pantawid-gutom natin sa pang araw-araw. Ang pagsasaka ay isang bahagi o aspeto lamang ng kabuuang kahalagahan ng AGRIKULTURA sa bansa. 

Kilala ang ating bansa bilang isang "Agricultural Country". Ang mga malalaking sakahan, taniman, palaisdaan, atbp. ay may malaking ginagampanan sa ating ekonomiya... Ngunit dahil sa pagbabago rin ng ating panahon, kasabay rin nito ang pagkakaroon ng maraming mga suliranin. Ilan na dito ang:

Teknolohiya. Hindi tulad ng ibang mga First-World Countries, ang 'Pinas ay nasa 'state of developing'. Mas nagiging pabor ang pagpasok ng salapi sa mga 'advanced technologies' ng ibang bansang may kakayahang mapasakamay ito. Napapadali ang mga gawain at napapalawa nito ang produksyon ng bansa.


Kakulangan sa Imprastraktura at Puhunan.

 Marami sa mga produkto ng bansa ang hindi nagagamit at napapakinabangan nang maayos dahil kulang ito dahil madaling masira dahil walang maayos at sapat na STORAGE para rito. Hindi rin sapat ang kanilang salapi upang maipambili ng mga mahahalagang makinarya.


Implementasyon ng Tunay na Reporma sa Lupa.

Dumaan na ang maraming taon, dumami na ang mga batas kaugnay sa reporma sa Lupa, wala paring nangyayari sa mga pangarap ng mga magsasakang nagnanais ng mas magandang buhay. Dapat ay bigyang atensyon ito ng pamahalaan at ng mga taong 'concerned' dito dahil silang mga 'mahahalagang manggagawa' ng ating bansa ang nahihirapan.. At kung hindi ito matugunan, ay sa huli, tayo ang maghihirap at dadanas ng mga epekto nito.


Mababang presyo ng Produktong Agrikultura.

Ang mga produktong pinaghirapang anihin o kuhanin ng mga manggagawa ng bansa ay naibebenta lamang sa murang halaga, kaya hirap ang mga itong makaipon ng mas magandang/malaking tubo o perang magagamit nila sa pang araw-araw. Hindi rin sapat ang salaping naipupundar nila upang mabawi ang kanilang gastos sa mga kagamitang ginagamit para maghanapbuhay. 

(video courtesy of YouTube)

Thanks for stopping by!! :) just post here. :) <3 more to come...